Ewan ko lang kung wala kang kakilala diyan..
Yung iba nakasama nyo na diyan nung elementary pa kayo.. nag binata.. nag dalaga.. hanggang sa tumanda..
Ito yung mga inuming hahanap hanapin mo kahit saang bansa ka magpunta..
Mapapa uhmmm ka talaga pag matagal niyong di natikman..
May mga ala alang bumabalik pag natikman mo uli.. Klasmeyt.. Pinsan.. Ninong.. Barkada.. Ex..
Mga Softdrinks na Sinasalin sa plastik na kinatatakaman habang marami pang bula..
Mga Juice na Di nalilimutan sa lunch box ng mga bata.. Pero ang straw kinakalimutan ni nanay.. Ayaw ata mag painom..
Mga halo-halong nag uumapaw sa sahog na may malasang gatas at Sirup ng Langka..
Mga Inuming humahagod sa lalamunan pampawala ng pagod galing trabaho.. at pag may pinagdiriwang na kaarawan.. Na nagpapagewang sa mga pinoy..
Mga di malilimutang inumin..
Yung iba nakasama nyo na diyan nung elementary pa kayo.. nag binata.. nag dalaga.. hanggang sa tumanda..
Ito yung mga inuming hahanap hanapin mo kahit saang bansa ka magpunta..
Mapapa uhmmm ka talaga pag matagal niyong di natikman..
May mga ala alang bumabalik pag natikman mo uli.. Klasmeyt.. Pinsan.. Ninong.. Barkada.. Ex..
Mga Softdrinks na Sinasalin sa plastik na kinatatakaman habang marami pang bula..
Mga Juice na Di nalilimutan sa lunch box ng mga bata.. Pero ang straw kinakalimutan ni nanay.. Ayaw ata mag painom..
Mga halo-halong nag uumapaw sa sahog na may malasang gatas at Sirup ng Langka..
Mga Inuming humahagod sa lalamunan pampawala ng pagod galing trabaho.. at pag may pinagdiriwang na kaarawan.. Na nagpapagewang sa mga pinoy..
Mga di malilimutang inumin..
Bear Brand..
Murang Gatas na affordable sa mga pinoy..
May halo kasing coconut..
Nido..
Sinong hindi pumapak nito?
Uminom nito kung gusto mong maging kasing galing at liit ni Abbarientos.
Promil..
Gatas ng mga Gifted Child.. kuno..
Mahal maging Gifted child..
Mahal magpataas ng IQ..
Di bale ng Low IQ.. Basta may pambili pang bigas..
Sinong hindi nakakita ng naglalako nito sa daan na may stroller na kulay dilaw na Styro habang nakalagay ang towel sa ilalim ng sombrero sa ibabaw ng ulo na nakasuot ng belt bag na nakalagay sa tiyan na punum-puno ng barya? Sino!?
Sinong hindi natusok sa straw nito?
*wapak!* *wapak!* *wapak!*
A: "Nay ang hirap itusok!!!"
N: "Anak itaob mo! tusukin mo sa puwet!!"
*wapak!* *tsssstttt....*
Pipisilin ng bata para sumirit at unti-unting ilalayo sa bibig para ma shoot ng long range at magtataka kung bakit hindi kulay orange ang Orange juice..
Kahit ubos na ay hihigupin ng buong kaya para masimot ang nasa loob.. At pag wala ng hangin ay ididikit sa dila ang dulo ng straw para sumabit!
A:"Nhay! hingnan nihyo humihikit sa dihla koh! Ang Gahling!"
Sigurado isa kang sosyal na tao o kaya ay nagsososyal-sosyalan lang para masabing angat ka sa iba. Pis tayo.
N: "O anak chocolait ngayon ang ilalagay ko sa lunchbox mo ha.. Bagong sweldo si tatay mo.."
A:"Wow naman! Nay extra brief! wag nyo na kalimutan.."
A: "Nay pambabae yan e! Gusto ko yung nag ba-basketball!"
N:"Parehas lang yan anak.."
A:" Sige na nay.. :( Please.. T.T "
Ovaltine Power..
A:"Nay Ovalteenies na candy pina-pabili ko! hindi yan! :( "
N:"Anak meron yang Vitamin C na nagpapalinaw ng mata.."
A:"Nay Vitamin A po ata yun.."
N:"Wag mo kalimutan bumili ng Yelo!"
N:"Bumili ka ng Tang.. Bibisita ang Teacher mo.."
Hindi to nawawala sa handaan.. lalo na nun 90`s..
A:"Nay parang ang tabang?"
N:"Haluin mo pa hanggang ilalim.."
A:"Kanina ko pa po hinahalo. Sobra nanaman ata ng isang litro ang nilagay na tubig."
N:"Kumuha ka ng asukal sa kusina.. Damihan mong lagay.."
A:"Opo.. Nay? teka.. 4 na piraso na lang yung Plastic natin ng Ice Candy!!"
Mango Shake..
Malinamnam..
Waaaahhh...
May buhok buhok pa..
Halo-Halo..
Sinong di matatakam?
Sino?!
Di bale ng walang ice cream!!!
Mais Con Yelo.. Simple.. Masarap.. Mahirap matunaw..
A:"41..42, 43.. 44 45 46!!"
N:"Anak kanina ka pa diyan sa kubeta ah.. Nagbibilang ka nanaman.. Sabi nang nguyain kasi maige e!"
Walang pic sa net ng Ice Scrambled eh!! Yung laging kasama sa kariton ng fishball!! Pero tiyak..
Isa rin yun sa di nyo malilimutan.. May toppings pa un naHershey o kaya Gatas na powder..
At siyempre.. Laging may maliit na kutsara o kaya straw na panghalo!!
Isa rin yun sa di nyo malilimutan.. May toppings pa un naHershey o kaya Gatas na powder..
At siyempre.. Laging may maliit na kutsara o kaya straw na panghalo!!
Calamansi Juice!
Sinong Hindi Pinilit uminom nito pag inubo't sipon ka?
N:"O anak gagaling ka na niyan.. Inom pa.."
A:"Nay ba't parang may.. WAAAkkk..kwaAAAk.. may buto pa!"
Salabat.. Pampawala ng Sakit at pangangati ng lalamunan..
Pampaganda rin daw ng boses..
Medyo maanghang nga lang..
At nakakapawis..
Sarsi Sisar..
Sino ang di nakarinig na pampapatibay ng tuhod ang Sarsing may Itlog? Bingi lang..
Sinong di nasugatan sa Pop Litro?
A:"Nay pabukas.."
N:"Uhmm.. ahh.. ang dulas! ipabukas mo sa kuya mo.."
K:"akin na nga.. Uhmm.. UmmmMMMMM... aray! aray!"
"Pabiling Pepsi.. yung coke ha.."
Pepsi na ang katumbas ng cola sa ibang mga pinoy.
Medyo nalugi ata sila dahil sa Promo sa tanzan na hindi binigay ang mga premyo sa mga nanalo dahil daw nagkaroon ng error sa production..
Kaya medyo nawala ang tiwala ng pinoy sa kanila..
Kung Gusto mo Makatipid.. mag RC cola ka..
Imaginin mo na lang na masarap..
Ang Ubod ng Seksi.. Coca Cola..
Simot..
Said na said..
Walang paki kahit may Diabetes..
Sarap eh..
At ang pinaka aabangan ng lahat.. Give-aways sa Tanzan!!!
Sprite..
Pantapat ng Coca Cola kay Pido Dido..
2nd choice ng pinoy pagdating sa Cider..
Para sa mga di makadighay..
N:"Anak.. Ang swerte ko! Nag-iisa na lang yung 7-UP sa tindahan.. Next week pa raw ang deliver sa kanila.. buti na lang! kung hindi, di ako makakagawa ng masarap na barbeque pantinda. Alam mo naman na yan ang secret ko. kaya wag mong iinu.."
A:"Burrrrrpppppp.... Ba't di nyo agad sinabi! Sorrriiiii!!!!!!"
Sinong Hindi nakatikim ng Pawis ni Manong? Wala pa.. wala..!!
"BJ kayo jan.. BJ.. BJ.. limang piso lang.. BJ.. Miss.. BJ gusto mo?"
Taho..
Pampainit ng tiyan.. Masustansiya pa..
N:"Anak bilis! kuhain mo yung basong tupperware na pula't habulin mo yung mag-tataho.. bilis!"
A:"Nay Barya! Bilis barya!"
"Di ka na Totoy..
Nasa Edad kana..
Redhorse..
Ito ang Tama!"
Napakanta tiyak..
Ginebra San Miguel..
N:"Hayop talaga yang tatay mo.. hik.. Inubos nanaman.. hik.. ang sahod sa pambababae.. hik.. hik.. HayuuuppPPpppp... hik.."
Pambansang alak natin..
SMB..
Kalog kalog kalog...
Tansan na laruan ng mga bata..
A:"Tay ako na bibili ng beer nyo.. Akin na lang sukli ha.."
Pride ito ng Pinoy..
Gold Eagle Beer..
Masarap daw to.. Owwwss... Di nga?
Lambanog..
Tumba ang mga Foreigner pag nakainom nito..
basta ba limang galon ang pagtatagayan ninyong 3..
Ito ba ang pambansang alak? o ang Ginebra gin?
Paborito ito ng mga magbobote.. Mahal kasi ang Bayad..
Tanduay Long neck.....
Nangangamoy sa Umaga sa Kalsada ng pinas..
Nescafe.. haaayyy...
Pambansang Kape ey.. Ala e.. Barako is The beyyyst..
Kankunis..
Sinong may Matabang Nanay na hindi nakakita nito sa kusina nila?
Epektib ata Yung Model na ginamit nila..
Kinaiinggitan ng mga nanay!
Tubig..
Water..
Misu..
Basic Ingriedients ng lahat ng nasa taas..
wag natin kalimutan..
Oo, hindi lahat ng yan produkto ng pinoy..
Milo.. Nescafe.. Ovaltine.. Yakult..
Pero Lahat ng yan.. minahal ng pinoy..
Kahit may diabetes..
Kahit mapait, maasim..
Kahit kapos sa kita..
Kahit minsan lang matikman..
Kahit bawal..
Pinoy tayo.. Ngiti lang lagi.. ;P
Oo nga pala..
Hindi tayo kumpleto kung wala to..
Trademark ata natin to.. Samalamig kayo jan!
SArrrrraaaaapppppppppiiiinnnnnnoooyyyyyy...
(From Jobarracuda sa Flicker..)
A:"nauuhaw na ako.. Pengeng pera.."
N:"O piso.. Bili ka ng ice water.. :P "
\m/ *_* \m/
Pinoy Drinks,
Inuming Pinoy,
Philippine Drinks,
Pinoy Softdrinks Harddrinks Milks Coffee Kape Gatas..
2 comments:
para sa mga tangero at tangera. you can view inuming pinoy collection at www.shotna.com may pulutan at videoke pa!
Slotty Casino: 7080 Sqemore Rd, Quicken Loans Arena
Slotty Casino: 7080 Sqemore Rd, Quicken Loans 공주 출장마사지 Arena, Quicken Loans 문경 출장안마 Arena, 하남 출장샵 79501. 남양주 출장안마 View Map. 과천 출장마사지
Post a Comment