Monday, October 15, 2007
Pancho Villa.. Pacquiao.. Filipino..
PanchoVilla-Ceferino Garcia-Gabriel Elorde-Luisito Espinosa-Manny Pacquiao
Waaah.. Ilan lang yan sa mga Boksingerong Pinoy Na hindi lang kinikilala sa Pinas.. Pang Daigdigan din ata yan..!
Imposibleng Wala kang kilala ni isa jan sa mga pic sa taas.. Kasama na sila sa buhay natin e..
(Pancho Villa-- July 18, 1928)
Iba-ibang Istorya ng Pagkapanalo at Pagkabagsak.. Mga Pagkasikat at Pagtatapos ng kanilang Karir.. Mga Babae, Mafia, Bisyo, Showbiz, Katandaan, Mga Kasong Sinampa at Pulitika(wag naman sana matuloy).. Sa totoo lang, di maiiwasan yan, Tao rin sila e.. Hindi lang naman siguro ang pagiging kampiyon sa boksing ang tangi nilang pangarap.. Siyempre, aminin na natin, Una para sa pera talaga yan.. Yan ang Propesyon nila at dapat lang silang bayaran.. Sunod na kaagad diyan ang para sa karangalan ng bayan.. Wala pang boksingerong nakipaglaban para sa bayan ng buong buhay niya at walang tinanggap na kahit piso.. wala pa..
(Flash Elorde's Downfall)
Karamihan sa mga boksingero ay nagmumula sa mahihirap na pamumuhay.. Magpapabugbog ba si Aga Muhlach para kumita ng pera? asa.. kung mayaman ka na, bakit pa? pero kung sa tingin mo e kaya mong kumita sa pamamagitan ng kamao at tapang mo.. ba't hindi? Sinong ayaw maging kasing yaman ni pacquiao? Magkaroon ng bahay, kotse at 'sangkatutak na Sponsors at Commercials.. Bili lang ng bili hangga't kaya..
(Ceferino Garcia's Fight)
Ang iba sa kanila, di pa natuto sa mga karanasan ng kapwa nila boksingero.. Para silang karpintero na pinalad na makapunta sa Saudi at ng umuwi ay bitbit ang Sound Components at Gintong nagbibigatan.. "Pinaghirapan ata namin to.." taas-noo pa nilang ipinagmamalaki.. Wala namang masama doon e.. Sana lang, Hindi sa sanlaan ang bagsak ng ginto niya pagkatapos ng 2 buwan.. Walang naipon.. Pag tinanong mo naman kung bakit yun ang inuna nila.. isasagot nila "Gusto ko kasi maranasan man lang.. etc.. etc.. Na hindi ko naranasan nung mahirap ako".. Walang pinag-iba..
(Luisito Espinosa-- Nice KO)
Di natin alam kung ano ang babagsakan ng mga boksingero natin ngayon.. Kung matuto na ba sila o hindi pa rin.. Maaring Bayani ang turing natin sa kanila sa ngayon.. Pero tulad ng nangyari sa iba, ang rebulto nila ay naguho't napino.. nabaon sa limot..
(Pacquiao Shocks The World)
May Francisco "Pancho Villa" Guilledo na tayo noon na humataw sa panalo sa murang edad pa lang At Kaunaunahang Kampiyon na Asyano..
May Ceferino Garcia tayong bigating kampiyon na nakilala sa kanyang "Bolo Punch"..
May Gabriel "Flash" Elorde tayong Nagsuot ng Sinturon ng Kampiyon sa mahabang Panahon..
May Luisito "Lindol" Espinosa tayong Laking Tondo na Brutal na Nagpapatumba..
May Emmannuel "Pacman" Pacquiao tayong Bumabaril ng Walang awang Suntok..
May Onyok tayong "Nadaya" na naging artista at tuluyang nawala..
May Navarette tayong "Chickboy" at di na nagpakita..
Halo-Halo.. Marami pang iba..
Gayunpaman.. Pinoy pa rin yan.. Lahi natin yan na dapat ipagmalaki.. Dahil may Pancho Villa na tayo noon.. May Pacman pa tayo ngayon.. Sapat na yun.. ;)
Info, Pics and Video from:
grandslampage.net
cyberboxingzone.com
philboxing.com
canadastarboxing.com
www.laprensa-sandiego.org
ejmas.com
ssc.edu.ph
YouTube.com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment