Levi Celerio.. a.k.a Mang Levi..
Sinong Pilipino ang hindi nakakakilala kay Mang Levi? Patayin. :)
Sa hinaba-haba ng taon na nabuhay si Mang Levi, hindi natin maipagkakaila ang kanyang mga naging kontribusyon sa balat ng buong kapuluan ng ating bansa.
Dapat ba natin siyang ikarangal? Hindi lang dapat. Kailangan.
Ang kanyang natatanging talento sa larangan ng musika ay walang katulad. mahigit 4,000 libong komposisyon ang kanyang nagawa. Nakilala sa buong mundo dahil sa kakayanan niyang makalikha ng isang musika at pagtugtog sa pamamagitan ng dahon.
Noong nabubuhay si Levi Celerio, may mga punto sa buhay niya na labis niyang ikinahapis. Ayon sa aking kakilala na dating taga-timpla ng kape ni Mang Levi sa Yoli's Carinderia malapit sa Camelot hotel sa Quezon City, nalulungkot siya dati dahil hindi sa kanya ibinibigay ang karangalan ng kanyang sariling nilikhang awit. Tulad na lang ng "Ang Pasko ay Sumapit". Dahil nga naman sa dami ng kanyang nilikha, mahirap ng mahanap pa ang mga orihinal na kanyang gawa. Pero sa bandang huli, nabigay na rin sa kanya ang karapatan at karangalan ng kanyang mga nilikhang awit.
Minsan lang mabuhay ang isang Levi Celerio. Levi Celerio na buo ang pagka-pilipino at nagpamukha sa atin ng kahalagahan ng pagtangkilik sa ating sariling musika. Bagama't nilamon na tayo ng mga dayuhang manunugtog, wag na wag parin nating kalimutan ang kakaunti ngunit natatanging yaman ng ating bansa.
Isa lamang siya sa dapat nating ipagmalaki bilang isang pinoy. Isa pero magiting na nag-iisa.
Gaano kita kamahal
katha ni Mang Levi
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman
Ang pag-ibig ko sa 'yo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
Huwag ka nang mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umaga
Tulad din ng umaga
May pag-asang sumisikat
Ang ating buhay
Maikli aking hirang
Kung kaya't kailangan ng pagsuyong wagas
Kailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin mapakailanman
Ang ating buhay
Maikli aking hirang
Kung kaya't kailangan ng pagsuyong wagas
Kailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman..
-----
43pot 43somuch
No comments:
Post a Comment