Friday, November 14, 2008

papa boogie lyrics

"Papa boogie" lyrics
"Huwag ka lang magpapa boogie" lyrics
"Wag ka lang magpapa boogie" lyrics

"Wag ka lang mag papa boogie" lyrics
"Huwag ka lang mag papa boogie" lyrics
Willie Revillame
Lito Camo
Wowowee



Honey, please don't leave me
Pagkat ikaw ang tunay kong minamahal
Dati lagi mong sinasabi
Baby, stay with me..

Honey, please believe me
Wag mo sanang itataboy ang puso ko
Sorry kung nagtatampo ka
Pasensya na pilyo lang talaga..

Mag Cha-cha, mag Salsa
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Tango, mag Rhumba
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Hip-hop, mag Breakdance
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Foxtrot, mag Balse
Wag ka lang,
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..

Honey please forgive me
Alam mo bang di ko naman sinasadya
Lately, labis akong nagsisisi
I hope sana you will understand me..

Mag Cha-cha, mag Salsa
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Tango, mag Rhumba
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Hip-hop, mag Breakdance
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Foxtrot, mag Balse
Wag ka lang,
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..

Sorry kung nagtatampo ka
Pasensya na Pilyo lang talaga

Mag Cha-cha, mag Salsa
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Tango, mag Rhumba
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Hip-hop, mag Breakdance
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Foxtrot, mag Balse
Wag ka lang,
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..

Mag Cha-cha, mag Salsa
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Tango, mag Rhumba
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Hip-hop, mag Breakdance
Wag ka lang magpapa-Boogie
Mag Foxtrot, mag Balse
Wag ka lang,
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..
Wag ka lang magpapa-Boogie
Boogie, Boogie..
Wag ka lang magpapa-Boogie!

-----------------------------------------------
Trip lang..
Nakakatuwa lang ang kantang ito na gawa ni Lito Camo..
May malisya ba sa kantang ito? akala ko meron.. parang wala naman pala..
Wag ka lang magpapa-bungi?
Wag ka lang magkaka-buni?
Wag ka lang magpapa-pogi?
Wala talagang malisya.. hehe..
maliban sa isa..
Wag ka lang magapapa-puk*..
hehe..
-----------------------------------------------
43pot 43somuch

Monday, November 10, 2008

Karoling lyrics.. Caroling.. Awit pampasko.. awiting pinoy..

Naku.. Pasko nanaman ng mga katoliko sa ating bansa.. Oo, tanggapin na natin iyon.. Hindi lahat ng naninirahan sa bansa natin ay nagdiriwang ng Kapaskuhan.. Mga Muslim.. at iba pang mga relihiyon.. Pero sa kabila nun ay hindi natin maipagkakaila na sunod sa "Lupang Hinirang" at "Happy Birthday to You" na kanta, ay alam natin ang Kantang Pangkaroling tulad ng "Ang Pasko ay Sumapit" at "Noche Buena". Kung bakit ay dahil napakalakas ng diwa ng Pasko sa Pinas (ewan ko lang ngayon) na kahit ang mga hindi nagdiriwang nito ay walang magawa kundi makinig at manood na lang sa mga taong nasa kanilang paligid dahil mayorya sa mga mamamayan ay nagdiriwang nito. Ang telebisyon, radyo, mall, park at maging sa mga kapit-bahay natin ay masisilayan talaga ang diwa na hindi maaring takasan ng mata at tainga.



____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________



Ang mga batang naliligo sa pawis na punong-puno ng dungis ay makikita mong nakagayak at kahit papaano ay nagsusuot ng magagandang damit upang Huntingin ang kani-kanilang mga ninong at ninang, tito at tita, lolo at lola, teacher at principal at mga give-aways mula sa mga suking tindahan at sa mga suking taga-serbisyo. Libreng sumbrero, Kalendaryo at good morning towel na may tatak ng kumpanya at libreng damit na may pangalan ng mga "nagmamahal" na mayor at ni kapitan. Kung bakit sila nakakapagsuot ng mga bagong damit ay dahil sa bonus ng kanilang mga magulang, napanalunan sa mga raffle draw, regalo sa exchange gift at ang pinakamalaking posibilidad ng pinanggalingan, Karoling.



____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________



Ang Karoling ay isang pagkanta sa mga bahay-bahay na isinasagawa ng mga bata dati. Pero ngayon nakisawsaw na at nakisalo na ang mga matatanda kaya't ang mga pera na sanang naibibigay sa mga bata ay napupunta pa sa matatanda dahil napansin nila siguro na malaki ang perang maiipon dito kung gagabi-gabihin ang pagbabahay-bahay. Nakahanap na ng kakumpetensiya ang mga bata. Ang kanilang Tansan Tambourine ay tinatapatan ng tamboring original. Ang kanilang Lata drum ay tinapatan ng totoong drum. Ang kanilang Tunog-taong tulad ng kili-kili pwoot, Suntok-sa-pisnging-may-lamang-hangin, Palakpak at padyak ay tinapatan ng gitara, at harmonica. Ang Inosenteng Boses ng mga bata ay tinapatan ng boses na mananakop ng mga matatanda. Kaya pag bata ka, Suwerte ka na sa limang-piso at sa hirap ng buhay lalo na ngayong taong 2008, tataas ng 15 porsiyento ang matatanggap mong PATAWAD kumpara sa nakaraang taon. Kung matanda ka naman, Suwerte ka kung magaling kang humanap ng Galanteng makakarolingan. Pansinin ang salitang Galante. Galante at hindi mayaman. Dahil hindi lahat ng mayaman ay galante dahil ang iba sa kanila ay yumaman dahil sa kanilang karamutan at kakuriputan at hindi lahat ng mahirap o nasa middle class ay kuripot. Tandaan, karamihan sa kanila ay naghirap dahil sa kanilang ka-galantehan, pagtulong sa mga nangangailangan kahit ilang beses na silang naloko, pagpapautang sa mga kaibigan na nagipit at hindi nakabayad, nabaon sa utang dahil gustong pag-aralin ang anak sa pribadong paaralan. Oo, mas marunong silang magbigay. Ang pagbibigay ay hindi nasusukat sa laki ng ibibigay mo kundi sa kung anong matitira sayo pagkatapos mong magbigay. Kasabay ng pagsulpot ng mga Karolingers ay mga taong nananamantala sa tulong ng iba na humihingi ng donasyon dahil nasa hospital ang kanyang anak kahit baog siya at imposible siyang magkaanak, mga taxi driver na bumabati ng merry christmas sabay "keep-the-change na lang mam/sir pwede po ba? pamasko nyo na lang po sa mga anak ko". Mga nanay na sumisipsip sa teacher ng kanilang mga anak na nag-aagawan sa honor sa pamamagitan ng pagpapadala ng Putong maliliit na may keso sa ibabaw at syempre ang walang kamatayang Figurine na angel pang-regalo.
____________________________________________________________________

Pindutin lang ang pamagat kung gusto niyong mapakinggan.. Karamihan sa mga sikat na kantang pampasko ay gawa ni Levi Celerio na isa sa ating National Artist..
--
NOCHE BUENA lyrics
Music: Felipe de Leon
Lyrics: Levi Celerio
--
Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't iba
--
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
____________________________________________________________________


Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata
--
Iba’t ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo
--
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok‘
Wag lang malunod, sasabihin(Pupulu-pulupot)
Paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin
--
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribbon eskoses at bonita
Habang lalong dumadami
Regalo mo’y dagdagan
____________________________________________________________________
Namamasko Lyrics
(Sa may bahay ang aming bati)
--
Sa may bahay, ang aming bati
Merry Christmas' na maluwalhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
--
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perwisyo
Pasensiya na pagka't kami'y
namamasko.
____________________________________________________________________

Sana mabago na ang pananaw na magpapakabait lang tuwing pasko.
Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, Pasko, Paskiw.


Isa sa dapat ikarangal ng Pilipino. Disyembreng walang snow pero masaya. Disyembreng ginto ang bilihin ngunit nairaraos pa rin. Disyembreng kumakalansing at nanggigising sa damdamin ng pilipinong baon sa suliranin. Karoling na sariling atin, na panandaliang humahawi sa dilim ng ating damdamin.



____________________________________________________________________

--43pot 43somuch

Sunday, November 9, 2008

Levi the great


Levi Celerio.. a.k.a Mang Levi..

Sinong Pilipino ang hindi nakakakilala kay Mang Levi? Patayin. :)
Sa hinaba-haba ng taon na nabuhay si Mang Levi, hindi natin maipagkakaila ang kanyang mga naging kontribusyon sa balat ng buong kapuluan ng ating bansa.
Dapat ba natin siyang ikarangal? Hindi lang dapat. Kailangan.
Ang kanyang natatanging talento sa larangan ng musika ay walang katulad. mahigit 4,000 libong komposisyon ang kanyang nagawa. Nakilala sa buong mundo dahil sa kakayanan niyang makalikha ng isang musika at pagtugtog sa pamamagitan ng dahon.
Noong nabubuhay si Levi Celerio, may mga punto sa buhay niya na labis niyang ikinahapis. Ayon sa aking kakilala na dating taga-timpla ng kape ni Mang Levi sa Yoli's Carinderia malapit sa Camelot hotel sa Quezon City, nalulungkot siya dati dahil hindi sa kanya ibinibigay ang karangalan ng kanyang sariling nilikhang awit. Tulad na lang ng "Ang Pasko ay Sumapit". Dahil nga naman sa dami ng kanyang nilikha, mahirap ng mahanap pa ang mga orihinal na kanyang gawa. Pero sa bandang huli, nabigay na rin sa kanya ang karapatan at karangalan ng kanyang mga nilikhang awit.
Minsan lang mabuhay ang isang Levi Celerio. Levi Celerio na buo ang pagka-pilipino at nagpamukha sa atin ng kahalagahan ng pagtangkilik sa ating sariling musika. Bagama't nilamon na tayo ng mga dayuhang manunugtog, wag na wag parin nating kalimutan ang kakaunti ngunit natatanging yaman ng ating bansa.
Isa lamang siya sa dapat nating ipagmalaki bilang isang pinoy. Isa pero magiting na nag-iisa.
Gaano kita kamahal
katha ni Mang Levi
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman
Ang pag-ibig ko sa 'yo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
Huwag ka nang mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umaga
May pag-asang sumisikat
Ang ating buhay
Maikli aking hirang
Kung kaya't kailangan ng pagsuyong wagas
Kailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin mapakailanman
Ang ating buhay
Maikli aking hirang
Kung kaya't kailangan ng pagsuyong wagas
Kailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman..
-----
43pot 43somuch